ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG "CHURCH" O IGLESIA : Controversial Topic 8

ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG "CHURCH" IGLESIA :
ANO BA ANG KAHULUGAN NG IGLESIA ?
Mula sa salitang Griego na “Ekklesia”, na ang “Root Word” ay “ Ek” at “Kaleo”. Na ang ibig sabihin ay  Inilabas (Ek), sa wikang Ingles ay “Exit”or “Out of” at Tinawag (Kalleo) sa wikang Ingles ay “Called”, sa kabuohan ay Tinawag at Inilabas mula sa mundongmakasalanan.

SAAN TINAWAG AT INILABAS ?
Sa Sanglibutan, sa Pagka-alipin ng Kasalanan, ibinukod tungo sa Paglilingkod, Nabubuhay ng may Kabanalan – I Corinto 6: 9-11.
Sa Lumang Tipan ang unang “Iglesia” ay Israel na siyang Bayan ng Diyos - Gawa 7: 38, ayon sa nasusulat, ang tawag sa kanila ay “ Iglesia sa Ilang .
Mga Gawa 7:38  ( Ang Biblia )
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
Ang mga Israelita ay Tinawag sa pamamagitan ng Propetang si Moises at Inilabas sila mula sa pagkaalipin ng Egipto, kaya sila ang unang naging Iglesia.
Hanggang sa dumating naman ang Panginoong Jesus sa Bagong Tipan na siyang Pangunahing Apostol at Dakilang Saserdote, ay Tumawag muna ng Mga Sugo na mga Apostol, upang tawagin naman sa Israel ang mga Tupa na naliligaw.
Sumunod naman para sa mga Gentil ay sa pamamagitan naman ng pagka-tanggap ni Pablo ng Pagka-Apostol (“Apostleship”), ay Tumawag naman ng Mga Tupa sa Gentil at nakapagtayo ng mga Iglesia sa ibat-ibang Bansa para sa Bayan ng Diyos sa mga Gentil :
   “ Sa pamamagitan niya’y tinanggap namin ang biyaya at pagka-apostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kanyang pangalan. Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay  Jesucristo ”.  ( Roma 1: 5-6 )
Ang tumanggap ng pagkaapostol ( Apostleship ) ang siyang gagamitin para makapanampalataya ( Faith ) ang lahat ng bansa kay Jesus at iyan mismo ang sinabi ng talata at nasusulat.
Ayon nga sa nasusulat, “Sa mga ito ( sa pagkatanggap ng pagkaapostol ), kayo  naman  ay  tinawag  kay  Jesucristo.  
CHURCH HISTORY :
SA LUMANG TIPAN ( Iglesia sa Ilang )
PROPETA: Sa pamamagitan ni Moises na isang Propeta ng Diyos ay Tinawag ang Israel mula sa pagkaalipin ng Egipto na siyang kumakatawan sa Sanglibutan. Tinawag at Inilabas sila ng Diyos sa pagkaalipin ng Egipto sa pamamagitan ni Propeta Moises at sila nga ang Unang Iglesia na kung tawagin ay “Iglesia sa Ilang” – Gawa 7: 38
SA BAGONG TIPAN : ( Iglesia sa  Unang Pagpupuyat o 1st Watch  )
MGA APOSTOL (Para sa ISRAEL): Sa pamamagitan ni Cristo Jesus na Unang Apostol sa kalagayan – Hebreo 3: 1 at 12 Apostol na Sinugo ay muling Tinawag ang ISRAEL upang Ilabas ang mga tupa ng Panginoon sa pagkaalipin ng mga kasalanan sa ‘di pagtupad ng mga kautusan at palayain sa pagiging nasa ilalim ng sumpa nito.
APOSTOL PAUL : (Para sa mga GENTIL): Tinawag na maging Apostol – Roma 1: 1Sa pamamagitan ng pagtanggap ni Pablo ng pagka-Apostol (Apostleship), ang Panginoon ay Tumawag ng mga tupa Niya sa mga Gentil, sila ay tinipon sa Kanyang Kawan – Juan 10: 16.
Kung bakit nagkaroon ng mga Iglesia sa Roma, Corinto, Efeso, Filipos, Galacia, Macedonia, Italia, at sa iba pa.
Ang Pagbibigay nga ng mga Kaloob at ang Pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago ( Apostleship and Offices ) – Roma 11:29 Roma 1:5-6 Efeso 4:10-11 Lucas 11:49
AYON SA NASUSULAT:
  Magsusugo ako sa kanila ng mga Propeta at mga Apostol”: - Lucas 11:49  

     “for God's gift and calling are irrevocable” -  Romans 11: 29 
NGAYON : (Umaga o 4th Watch): PAGSASAULI SA KANYANG DATING IGLESIA NA MAY PAGPUSPOS NG LAHAT NG MGA BAGAY  - Gawa 3: 20-21 / Efeso 4: 10-11      


FOURTH WATCH ( 4th Watch ) SCRIPTURAL :
Magkakaroon ba ng 4th kung hindi muna dadaan sa First (1st), Second (2nd) and Third (3rd)
NASUSULAT NA MAY 2ND AT 3RD DAHIL SILA AY NASA PANAHON NG 1ST WATCH ?

Luke 12:37-38 King James Version (KJV)

37 Blessed are those servants, whom the lord when he cometh shall find watching: verily I say unto you, that he shall gird himself, and make them to sit down to meat, and will come forth and serve them.
38 And if he shall come in the second watch, or come in the third watch, and find them so, blessed are those servants.
TAYO NGAYON AY NARITO SA 4TH WATCH NA PANAHON:
IS THERE A VERSE THAT THE LORD JESUS WILL COME IN THE 4TH WATCH ?  YES, THERE IS  ! 

Matthew 14:25 King James Version (KJV)

25 And in the fourth watch of the night, Jesus went unto them, walking on the sea.
Maliwanag na mayron ngang Fourth Watch ( 4th Watch ) na nasusulat :
          " And in the fourth watch of the night, Jesus went unto them " ...
NGAYON : (Umaga o 4th Watch): PAGSASAULI SA KANYANG DATING IGLESIA NA MAY KUMPLETONG KALOOB - Gawa 3: 20-21 / Efeso 4: 10-11:
ANG PAGSASAULI SA DATING KALAGAYAN NG IGLESIA SA "1ST WATCH"  NA  MAY KUMPLETONG  KALOOB HANGGANG SA DUMATING  ANG "2ND WATCH" :
DAHILAN NG KANYANG PAG-AKYAT SA LANGIT:
KINAKAILANGAN NA UMAKYAT SIYA (SI JESUS) SA LANGIT, UPANG MAPUSPOS NIYA ANG LAHAT  NG MGA BAGAY AT MAKAPAGBIGAY SIYA NG KUMPLETONG KALOOB NG PANGANGASIWA PARA SA KANYANG IGLESIA, KASAMA NA NGA RITO ANG KALOOB NG PAGKA-APOSTOL.
SA IKASASAKDAL NG KANYANG MGA BANAL, BAGO ANG KANYANG PAGBABALIK, AT IYAN AY ISA RIN  SA MGA TANDA NG MULING PAGPARITO NG PANGINOONG JESUS, BAGO ANG TUNAY NA IGLESIA AY AGAWIN ;
ATING BASAHIN AT UNAWAIN :
Gawa 3: 21  ( Ang Biblia )
      “ Na siya’y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay …”. 
Ang ibig sabihin nito ay mananatili muna sa langit ang Panginoon Jesus “HANGGANG SA” mga panahon ng “PAGSASAULI SA DATI“ ng “LAHAT NG MGA BAGAY ”.
Ayon nga sa nasusulat na kapag naisauli na nga o maipanumbalik na ng Panginoong Jesucristo sa dati ang lahat ng mga bagay ay babalik na Siya.
ISA-ISAHIN NATING UNAWAIN ANG MGA SALITA SA GAWA 3: 21  :
UNA: Ang salitang HANGGANG SA”, na ang ibig sabihin ay may hangganan, “hanggang doon lang”.
May hangganan ang pananatili ng Panginoong Jesus sa langit, dahil nga muli Siyang babalik ayon sa Kanyang ipinangako.
Ayon nga sa nasusulat, ang tinutukoy naman na lahat ng mga bagay ay ang pagkakaloob o pagbibigay ng lahat na kumpletong kaloob ng pangangasiwa, sa mga tungkuling Mga ApostolPropetaEvangelistaPastor at Guro.
Upang Kanyang mapuspos ang lahat ng mga bagay ay kailangan na nasa langit Siya;
Halimbawa : Ikaw ba, makikita mo ang lahat ng mga nasa paligid mo kung hindi ka aayat ? Umakyat ka muna sa tutok para makita mo lahat !
EFESO 4: 10 ( Ang Biblia )
      “ Ang bumaba ang siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kanyang mapusposang lahat ng mga bagay”.  
Diyan na nga matutupad ng Panginoon, ang pagpuspos ng lahat ng mga bagay, dahil nakaakyat na Siya.
Nagbigay Siya ng Kumpletong Kaloob ng Pangangasiwa :
Efeso 4: 11-12  

    “ At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol, ang mga iba’y propeta at ang mga iba’y evangelista at ang mga iba’y pastor at mga guro “. Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo”.
NANGANGAHULUGAN NA ANG PAGBABALIK NG PANGINOON AY ANG IGLESIA NA MAY KUMPLETONG KALOOB ANG KANYANG BABALIKAN.
Gawa 3: 21  ( Ang Biblia )
      “ Na siya’y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay …”. 

“ For God’s gift and calling are irrevocable ”  –  Romans 11: 29
      “ At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol, at ang mga iba’y propetaat ang mga iba’y evangelista, at ang mga iba’y pastor at mga guro. Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo". Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki nga tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito' doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat ng hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa lalang ng kamalian ". - Efeso 4: 11-14
   
Kung hindi nga ganito ang batayan upang sabihin na tayo ay nasa tunay na Iglesia ay wala tayong katiyakan sa darating na "Rapture" o Pag-aagaw ng Panginoong Jesus sa Kanyang Tunay na itinayo na Iglesia, Maaaring mapunta sa ganitong kalagayan, bagama't nagsipangaral din ay hindi naman kinilala ng Panginoong Jesus :


MATEO 7: 21-23  2Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan23 At kung magka-gayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

Ito ang situwasyon ng Iglesia na hindi napasakop sa “Katuwiran ng Dios”.

ROMAN 10: 1-3 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas. Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
ANO ANG NASUSULAT ?

Nagtayo ng sariling kanila na hindi napasakop sa “Katuwiran ng Dios”.

Ano ba ang katuwiran ng Dios ?

Marami ! At isa na nga ang nabasa na natin na kalagayan ng Tunay na Iglesia na Kanyang babalikan at kukunin.


Nawa ang mga katotohanang ito ay magsilbing ilaw at gabay upang tayo ay makatiyak ng ating Kaligtasan, lalo na sa darating na Pag-aagaw o “Rapture”.

By PMCC 4th Watch Member 



Comments

Popular posts from this blog

THE TRUE MEANING OF " CHURCH " : Bible Teaching Controversial Topic 5