TO HAVE LONG HAIR FOR WOMEN IN THE CHURCH, IS IT A LAW ? : A Controversial Topic 6


TO HAVE LONG HAIR FOR WOMEN IN THE CHURCH, IS IT A LAW ? :
Ayon sa nasusulat sa I Corinto 11: 15, Kapurihan sa Babae ang may Mahabang Buhok  :

1 Corinto 11: 15  New International Version

  15 but that if a woman has long hair, it is her glory? For long hair is given to her as a cover.

Kung bagay sa kanya ay magiging kapurihan nga, subalit kung hindi bagay ay baka magmukhang bruha.
Kaya tuloy may pangyayari mula pa noon hanggang ngayong panahon na may mga bata na natatakot kapag may nakikitang matatanda na may mahabang buhok na napagkakamalang aswang, sa kanila nga ay hindi naging kapurihan ang pagkakaroon ng mahabang buhok kundi naging katatakutan at kapintasan. Pero sa katotohanan ay puwedeng magpagupit – I Corinto 11: 6  
Ang Kulturo sa Corinto ay magbelo sa pananalangin, subalit ang kultura na iyan ay ‘di naman para sa atin. Ayon nga sa nasusulat :


1 Corinto 11: 15  New International Version
    For if a woman does not cover her head, she might as well have her hair cut off; but if it is a disgrace for a woman to have her hair cut off or her head shaved, then she should cover her head.

Tagalog: Sapagkat kung ang babae ay walang lambong ay pahupit naman”; 
Maliwanag na puwedeng magpagupit ayon sa nasusulat kung hindi siya maglalambong ( o maglalagay ng belo ). Ano pa ang karugtong ng nasusulat - “ kung kahiyahiya sa kanya na magpaahit ( o magpagupit ) ay maglambong  siya  ( o magbelo )  
Bakit ? Kung maikli nga naman ay nakakahiya dahil magmumukha siyang lalaki lalo kung gupit binata, subalit may hindi nahihiya na nakikita natin at nakakasalubong sa paligid. Sa katotohanan ay puwede ngang magpagupit kahit hanggang balikat at pakarami nga na ang gupit ay hanggang balikat at baga na bagay pa nga ! 
LOOK AT THE PICTURES IF IT IS ASHAMED FOR GIRLS EVEN KIDS HAVING A SHORT HAIR :

Iyan ba ang gupit na kahiyahiya ayon sa nasusulat ? Eh ang gaganda pa nga tignan kahit hanggang balikat lang at isa ring kapurihan. Katotohanan lang na mali ang interpretasyon ng samahang Members of the Church of God International ( MCGI ) ni Eli Soriano at mga United Pentecostal Church ( UPC ) Oneness, sa mga nahayag na mga katotohanang ito.

Kaya nga nakapagtataka na ang sinusunod nilang aral ay aral ng pagpapahaba ng buhok at naging kautusan sa kanila na bawal ang magpagupit. Abay dapat halos lahat ng kababaihan na miyembro nila ay sumayad na dapat sa sahig o kalsada ang kanilang buhok kung talagang sinusunod nila na bawal magpagupit ?
Basahin natin ng buo ang nasusulat :
     “ Sapagkat kung ang babae ay walang lambong ay pagupit naman, kung kahiyahiya sa babae ang paahit ay maglambong siya ”. ( I Corinto 11: 6 )
For if a woman does not cover her head, she might as well have her hair cut    off; but if it is a disgrace for a woman to have her hair cut off or her head          shaved, then she should cover her head.
Palawakin pa natin ang tamang interpretasyon dito :
Ayon sa aral ni Eli Soriano ng MCGI at UPC Oneness na ang lambong daw ay buhok, Sige nga pagbigyan natin sila at basahin natin ulit at unawain :
      “ Sapagkat kung ang babae ay walang lambong  ( o walang buhok ) ay pagupit naman :
PUWEDE BANG MAGPAGUPIT NA WALANG BUHOK ? EH KALBO IYON !  
Subalit kung kahiyahiya sa babae ang paahit ( o pagupit ) ay mag-lambong siya ( o magbbelo siya ) ”. ( I Corinto 11: 6 )
Kung kahiyahiya ? Pero may makapal ang mukha at hidi nahihiya ! 

Anyway, may maikling buhok na pagpapagupit naman ang bagay at hindi naman kahiya-hiya.
Hindi naman sa pamimintas, Masasabi ko na napakabobo naman ng isang tao kung hindi pa maunawaan ito na maling mali talaga ang interpretasyon nila na ang tinutukoy raw na lambong sa talatang ating nabasa sa I Corinto 11: 6 ay buhok.
Ang pagpapahaba ng buhok at paglalagay ng belo nito sa mahabang buhok ay kultura sa bansang Corinto na hindi naman nababagay sa ating bansa dahil napakainit dito :

Ang pagkakaroon ng kultura ng ibang bansa ay hindi para sa lahat ng bansa o pangkalahatang utos para sa lahat ng bansa.
Halimbawa ay ang kultura sa Roma na " Magbatian ng banal na halik " ang isa't-isa na nasusulat sa Roma 16:16. Sa Bansang Romano ay kultura nila ang magbatian ng halik at hindi "applicable" sa atin sa Pilipinas.
Sabi nga ng ilan na mapagbiro, Kung ganyan din sa atin na magbatian ng banal na halik ay hahanap ako ng magandang babae na makakatabi at doon ako lulugar para suwertehin, kung may asawa na ang babae na makakatabi niya, Hindi kaya magkaroon ng rambulan at away dahil sa pagbati ng halik ? Ang bakla naman ay maghahanap raw siya ng guwapong lalaki na makakatabi para ganon din !
By PMCC 4th Watch Member




Comments

Popular posts from this blog

THE TRUE MEANING OF " CHURCH " : Bible Teaching Controversial Topic 5