ANG HIWAGA SA MALING PAGKAKILALA KAY JESUS AT EVANGELIO NITO : Controversial Topic 7


ANG HIWAGA SA MALING PAGKAKILALA KAY JESUS AT  EVANGELIO  NITO :
Ang pagkakaroon ng ibat-ibang pagkakilala sa Panginoong Jesus ay patunay lamang na ang pangalang Jesus, Cristo, Jesucristo, Cristo Jesus, Anak ng Diyos, ang mga Pangalang ito ay nanatiling Hiwaga pa rin sa kanila, bagama’t matagal nang hawak at nagbabasa ng bibliya:
Halimbawa na lang ay ang mga Relihiyong ito :
IGLESIA NI CRISTO 1914 – Si Cristo Jesus ay isa lamang tao at hindi Dios
JEHOVA’S WTNESSESS – Si Cristo Jesus ay si Miguel Arkanghel
ISLAM RELIGION Muslim ) – Si Cristo Jesus ay isang Propeta lamang
THE CHURCH OF JESUS CHRIST of the LATTER DAY SAINTS ( Mormon – Si Jesus ay kapatid sa espiritu ni Lucifer ( Satan ).
THE KINGDOM OF JESUS CHRIST and UNITED PENTECOSTAL ONENESS  ( UPC ) – Si Cristo Jesus na rin ang siyang Dios Ama.
Ang mga relihiyong ito ay iisa lang ang hawak na biblia, liban lang sa iba na gumawa ng sariling nilang libro upang suportahan ang kanilang paniniwala na hindi naging sapat sa kanila ang Biblia kaya gumawa ng sariling kanila.
SINO NGA BA ANG MAKAKAKILALA KAY CRISTO JESUS ? :
     “ Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo; Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita. Sa pamamagitan niyaon sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo; Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kanyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu ”. ( Efeso 3: 2-5 )
Efeso 6:19 ( Ang Biblia )
19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio.
Ayon nga sa nasusulat, Si Cristo Jesus ay isang Hiwaga at ang Evangelio ay Hiwaga, na ang tangi lamang na tunay na makakakilala sa Panginoong Jesucristo ay yaong Kanyang pinagpahayagan na mga banal na Apostol at Propeta sa Espiritu, iyan ang dahilan kung bakit may iba’t-ibang silang pagkakilala kay Jesus, sapagkat sila ay hindi mga sinugo ng Dios :
ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT ITO AY NAGING HIWAGA ?
Marcos 4:11 Ang Biblia
11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Diosdatapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGING HIWAGA SI JESUS AT ANG EVANGELIO NITO :
Sapagkat sila’y hindi mga Sinugo ng Dios na pinagpahayagan ng mga Hiwaga :
Lucas 11:49 Ang Biblia
49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostolat ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin.
Roma 10:15 Ang Biblia
1At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugogaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!
Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.

Sila’y hindi mga Sinugo ng Dios, ang Mangangaral ninyo, siya rin ba ay sinugo ?

Comments

Popular posts from this blog

THE TRUE MEANING OF " CHURCH " : Bible Teaching Controversial Topic 5