WORSHIP DAY : SUNDAY or SATURDAY ? TAGLISH VERSION: CONTROVERSIAL TOPIC 2






WORSHIP DAY : SUNDAY or SATURDAY ?

ANOTHER CONTROVERSIAL TOPIC REGARDING THE DAY OF WORSHIP :
SATURDAY ( 7th Day )  or  SUNDAY ( 1st Day )
  Exodus 12:16  New International Version (NIV)
             “ On the first day Sunday ) hold a sacred assembly, and     another one on the seventh day ( Saturday ). Do not work at all   on these days, except to prepare food for everyone to eat; that is   all you may do ”.
1.  SATURDAY 7th day ), para sa Israel o Judio lamang –  Exodo 31: 16                    
2.  SUNDAY ( 1st day ), para sa mga Gentil – Gawa  20: 7 / I Corinto  16: 2
Ayon sa nasusulat ay walang ibang gawa na gagawin liban lang sa dapat kanin ng bawat tao.
Ang Sabado nga o ang Ikapitong Araw ay Sabbath na ibinigay ng Diyos na pinakapalagiang Tipan na tutuparin ng anak ni Israel sa boong panahon ng kanilang lahi – Exodo 31: 16,  Kaya’t walang dapat pagtalunan diyan, sapagkat tunay na ang Sabado ay Araw ng Pangingilin.
Subalit ipangingilin ng boong angkan ng Israel lamang, kaya ko nasabi na para sa Israel lamang ang Sabado, iyan nga kasi ang nasusulat :
       “ Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng Sabbath, na tutuparin ang Sabbath sa boong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan”. ( Exodo 31: 16 )
Hindi tinukoy sa talatang ito ang mga Gentil, ang siyang mangingilin ng Sabbath bilang Palagiang Tipan,  kundi ang Israel Lamang !
      “ Sa gayo’y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kanyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang,  at kanilang inari at tumahan doon. At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang, at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila.
Ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay. Walang nagkulang ng isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari ”. ( Josue 21: 43-45 )
Maliwanag na natupad na rin ang ipinangako at kapahingahan sa pakikipabaka, Subalit sa Kapahingan na siyang Ikapitong Araw ay hindi sila nagsipasok :
       “ Sapagkat sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw. At nagpahinga ng ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kanyang mga gawa; At sa dakong ito ay muling sinabi, “ Sila’y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan ”.
        “ Kayat yamang may natitira pa na dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway ”.  ( Hebreo 4: 4-6 )
Maliwanag na ang Diyos mismo ang nagsabi na hindi sila makapapasok sa Kanyang Kahingahan na siyang Ikapitong Araw. Subalit may natitira pang ibang araw na Isang Pamamahingang Sabbath ayon sa nasusulat para naman sa Bayan ng Diyos kasama ang mga Gentil.
Basahin natin ang siyang sumunod na mga talata :
      “ Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon sa sinasabi sa mga awit ni David ( ayon sa sinabi nang una ).
   “ Ngayon kung narinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.
  “ Sapagkat kung ibinigay na sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang arawMay natitira pa ngang isang pamamahingang Sabbath, ukol sa bayan ng Dios ”.  ( Hebreo 4: 7-9 )
Hindi sila nagsipasok sa Ikapitong Araw  (7th Day) na siyang Kapahingahan ng Diyos, subalit may “itinangi na ibang araw,” at ang ibang araw na iyan na itinangi ay isa ring Pamamahingang Sabbath na natitira ukol sa Bayan ng Diyos sa Gentil.
BAKIT NATITIRA ?  Ang natitira ay siya ngang itinangi na ibang araw.
BAKIT NGA NATITIRA ? Ibig sabihin ay hindi naubos, may natira pa, para sa mga anak ng Diyos sa Pangako . 
ITULOY NATIN :
ATING BASAHIN :
  “  Sapagkat kung ibinigay na sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos  ang  ibang  araw ”.  ( Hebreo 4: 8 )
Ayon nga sa nasusulat ay nagsalita nga siya ng “ ibang araw ”, nangangahulugan na hindi na ang patungkol sa Sabado ( 7th day ), sapagkat  ibang araw  na  nga !
ANO ANG TAWAG SA IBANG ARAW NA ITO ?
Basahin natin ang susunod na talata :
    “ May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa  bayan ng  Dios ”.  ( Hebreo 4: 9 )
ANO ANG TAWAG SA IBANG ARAW NA NATITIRA PA PARA SA BAYAN NG DIYOS ?
Sabbath din o Pangingilin, ayon nga sa nasusulat.
BAKIT NATITIRANG ISANG PAMAMAHINGANG  SABBATH ? 
Kung ang pag-uusapan at pag-aaralan ay patungkol sa Sabado ( 7th Day ) na Pangingilin, hindi sila nagsipasok sa kapahingahang yaon dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig, at dahilan na rinnga sa pagsuway, mababasa iyan sa Hebreo 1: 1-6.
Sa mahabang panahon ng kanilang paglalakbay sa ilang na umabot sa apat na pung taon (40 years), ang tanging natupad lamang ay ang ipinangakong Lupang Pangako at ang kapahingahan sa mga pakikipagbaka laban sa mga kaaway, natupad ito sa panahon ni Josue.
Dahil Maraming Sabbath : At ang mga sabbath ay winakasan na ng Panginoong Diyos, subalit  mayroon ngang  itinangi  at  itinira  na  Isa  ring  Pamamahingang  Sabbath.
BASAHIN AT PAG-ARALAN NATIN :
       “   At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at sinasabi:  
     “  Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, sapagkat isang tanda sa akin at sa inyo sa boong panahon ng inyong lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo ”.  ( Exodo 31: 12-13 )
Sa talatang ito ay maliwanag na sabi mismo ng Panginoon na ipangilin ang Kanyang mga sabbath, “Mga Sabbath” na ang ibig sabihin nga ay marami.
Subalit sa katigasan ng ulo ng mga Israelita na hindi tumutupad sa mga ipinag-uutos ng Diyos, at isa na nga rito ay gusto nilang maghanap-buhay. 
Nagsalita sila na gusto na nilang wakasan na ang Sabbath, hindi ang     mga sabbath kundi ang Sabbath na siyang Ikapitong Araw upang sila’y makapaghanap-buhay, na maging sa ating panahon ay may mga ganyan na ang Linggo ay ‘di nila nilalaan para sa Diyos.
Ating Basahin sa Ingles :
       “  When will the new moon be gone, that we may sell corn ? and the sabbath, that we may set forth meat, making the ephah small, and the shekel great, and falsifying the balances by deceit ? ”( Amos 8: 5 )
Ang tanda at ang kapasyahan ng Panginoong Diyos na wawakasan na Niya ( be gone ) maging ang mga sabbath ay natupad nang ang Panginoong Jesus nga ay napako sa Krus, na doon nga ay lumubog ang araw sa katanghaliang tapat at nagdilim sa boong sangkalupaan – Mateo 27: 45-46 ( Unawain na iba ang oras ng Israel, ang ikaanim ay ang katanghaliang tapat sa atin ). Puwedeng basahin sa mababaw na salin ng Bibliya na “Magandang Balita” at mababasa na sa katanghaliang tapat ay nagdilim ang boong sangkalupaan, ayon sa pagkakasulat :
       “  Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain ” ( Mateo 27: 45 ) - Magandang Balita Version
Ang katuparan nga na pagwawakas ng mga sabbath, maging ng mga sumpa sa ’di pagtupad ng mga kautusan, kung magbabasa ng bibliya at uunawain ang mga nasusulat, lahat nga ay ipinako na sa krus at isinama nang ipinako ng Panginoon sa kanyang kamatayan, lahat nga ay tinubos na ng Panginoong Jesus, Siya na lahat ang tumupad at sumagot, upang ‘di na tayo mapasailalim pa ng Kautusan kundi ng Biyaya, na kapag sampalatayanan mo ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan Niya bilang Tagapagligtas ay maliligtas ka, maging sa anomang pagkaalipin ng kasalanang gumagawa sa iyo, kahit ang kahatulan tungo sa kapahamakan. Ipinako na lahat iyan ng Panginoon at isinama sa pagkamatay sa Krus. Sa Panginoon nga ay magkakaroon ka na ng Kaligtasan,
Sapagkat ang lahat nga ay dinala na Niya upang tayo magkaroon ng Kapayapaan. Sino ka man, o ano man ang iyong nagawang kasalanan, lahat nga ay may kapatawaran na sa pamamagitan ni Cristo Jesus, Siya ang ating “Manunubos” - Roma 3: 24 Efeso 1: 7 Colosas 1: 14.
Mabalik nga tayo sa ating paksa na pagwawakas na ng mga sabbath :
Kung winakasan na nga ng Panginoong Diyos maging ang mga sabbath, ay may itinangi Siya na ibang Araw na Isang Pamamahingang Sabbath din para sa Kanyang Bayan.
BASAHIN NATIN ULIT SA HIGIT NA KALIWANANAGAN:
      “ Kayat yamang may natitira pa na dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway ”.                
     “  Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon sa sinasabi sa mga awit ni David ( ayon sa sinabi nang una ).
   “ Ngayon kung narinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.
  “ Sapagkat kung ibinigay na sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagka-tapos ang ibang araw. May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios ”.  ( Hebreo 4: 6-9 )
Oo’t winakasan na ang mga Sabbath, subalit ayon sa nasusulat ay may itinira na ibang araw na isa ring pamamahingang sabbath.
Ang bayan na siyang tinutukoy ng Panginoong Diyos, na sa kanila ibinigay ang itinangi at natitira na ibang araw na Isa ring Pamamahingang Sabbath ay ang Bayan ng Diyos sa Gentil .
Ayon nga sa nasusulat na ang pamagat ay “Israel doom at hand” (KJV Version), nais ng Israel na magwakas na ang Sabbath, sa wikang ingles nga ay “be gone”, hindi mga sabbath, kundi ang Sabbath ("Singular", na ang tinutukoy nila ay ang Ikapitong Araw na gusto na nilang magwakas).
Gusto nilang makapaghanapbuhay, at pati na rin ang timbangan ay dayain, na maging sa ating panahon ay marami niyan, na ginagawa na pala noong unang panahon pa !
Ang Diyos nga ay nakatatarok at nababasa ang nilalaman ng puso ninoman at maging ng Israel, kaya bago pa man napagpasyahan ng Israel sa kanilang puso, na nais nilang magwakas na ang Sabbath, ay ang Panginoon na mismo ang nagpasya na wawakasan Niya na ang kanilang mga sabbath :
   “ Akin din namang papaglilikatin ang kanyang mga kalayawan, ang kanyang mga kapistahan, ang kanyang mga bagong buwan, at ang kanyang mga sabbath, at lahat ng kanayang takdang kapulungan ”. ( Oseas 2: 11 )
Nasusulat nga na papaglilikatin na ng Panginoon, sa Ingles ay “to cease”, ihihinto na Niya o tatapusin na, kasama na nga ang mga sabbath, ayon sa nasususulat, at ang tugon nga ng Israel ay, Kung kailan nga ito wawakasan ng Panginoon ?
Nagbigay ng tanda ang Panginoon kung kailan ito wawakasan :
    “ At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios, na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang-tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw ”.  ( Amos 8: 9 )
NASAAN ANG TALATA NA MAY BAYAN ANG DIYOS SA GENTIL ?  Meron at Basahin natin:
    “ Maging sa atin na kanya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil ?  Gaya naman sa sinasabi niya sa aklat ni Oseas,
    “ Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig, At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo’y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Diyos na buhay ”.  ( Roma 9: 24-26 )
Tinawag na ng Diyos na Kanyang Bayan ang dating hindi Niya Bayan, angBayan ng Diyos sa mga Gentil.At kung may ibang araw na isa ring Pamamahingang Sabbath, ANONG ARAW IYON ? Mayron pa bang ibang nabanggit na araw ng Pagsamba liban sa “ SABADO ” ?
Mayron at walang iba kundi “ LINGGO ” :
   “ At sa unang araw ay magkaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon, at sa ikapitong araw man ay magkaroon din kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawat tao na siya lamang maaaring gawin ninyo ” ( Exodo 12: 16 )
Maliwanag na ang Unang Araw o Linggo ay nasusulat rin nga na Isang Banal na Pagkakatipon, na ang katuparan nga ay natutupad na ngayon sa Bayan ng Diyos sa mga Gentil.
Si Pablo nga bilang Apostol ng mga Iglesia sa Gentil ay  Tuwing Linggo gumaganap ng pagkakatipon, kasama na ang pagsasagawa ng Banal na Hapunan – I Corinto 16: 2Gawa 20: 7. Ang Linggonga ang siyang
nang Umakyat sa Langit ang Panginoon ay sampung araw (10 days) naman ang paghihintay ng mga alagad bago nila natanggap ang ipinangakong Espiritu Santo  ng Araw ng Pentecostes. Kung susumahin mo ay “ 50 Days ”, mula sa Pagkabuhay ng Panginoong Jesus, sa Araw ng Linggo –
Mateo 28: 1, hanggang sa pagpupuspos ng Espiritu Santo - Gawa 2: 1-4
Diyan nga, na ang inihula sa Levitico 23: 15-16 ay natupad, na magkakaroon ng isang bagong handog sa Panginoon.
       “ At kayo’y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng Sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog, magiging pitong sabbath na ganap.
      Sa makatuwid bagay hanggang sa kinabu-kasan ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw, at maghahandog kayo ng bagong harina sa Panginoon ”.  ( Levitico 23: 15-16 )
Siguro naman ay nakapag-aral ang lahat ng makababasa ng aklat na ito, kasi nga papaanong makababasa nang hindi nakapag-aral, at isa pa ay siguro naman ay marunong ng “Basic” sa “Mathematics”, dahil may “Additional” tayo na kukuwentahin o susumahin, patungkol sa talata na nabasa
Sumahin natin ang nasusulat sa Levitico 23: 15-16 :
  Pitong Sabbath na ganap - Sabado ( 7 X 7 ) = 49th Day
Hanggang sa kinabukasan ng Pitong Sabbath na ganap :
( Linggo - kinabukasan ng Pitong Sabbath )   + 1   Day
Ikalimang Pung Araw  -  LINGGO        =           50th Day
Napakalinaw na “Arithmetic”, na araw ng Linggo o Araw ng Pentecostes nang ang Panginoon ay  magpuspos ng  Kanyang Espiritu Santo, na inihula na !
Kung may sinasabi ang mga Sabadista patungkol sa pagtatatak, Ito ang maisasagot ko, Na ang Diyos mismo ang nagtatatak ng Kanyang Espiritu bilang patunay na kami ay Kanyang  mga  anak :
  “ Na sa kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral na katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kanya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya, ay kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo na ipinangako ”.    ( Efeso 1: 13 )
     “ Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga, mga tagapagmana sa Dios, at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung gayon nga makipagtiis tayo sa kanya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya ”. ( Roma 8: 16-17 )
ANO NA NGAYON ANG ARAL NG SABADISTA SA MGA KATOTO-HANANG ITO NA NAHAYAG ?
Lihis na naman sila sa Katotohanan, dahil ang Tatak ng Diyos at patotoo na tayo’y Kanyang mga anak na mga Tagapagmanang kasama ni Cristo ay ang Espiritu Santo.
Kaya ang nagtatak noong Araw ng Pentecostes na pumatak ng Araw ng Linggo ay hindi ang Diablo na si Satanas, kundi ang Panginoong Diyos.
Araw ng Linggo nagtatak ang Diyos ng Kanyang Espiritu Santo bilang patotoo na tayo’y Kanyang mga Anak  na  sumasampalataya sa Panginoong Jesus.
Para sa karagdagang kaalaman, Araw ng Linggo nang ang Panginoon Diyos ay magpuspos ng Espiritu Santo noong Araw ng Pentecostes – Gawa 2: 1-4, katuparan ng hula sa Levitico 23: 15-16, (Ikalimang-pung Araw-50th Day ), pumatak ng “ Linggo ”, mula sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus – Mateo 28: 1.
Nagtataka ako kung saan kinuha ng mga Sabadista ang aral nila na kapag sumamba ka raw ng Linggo ay tinatatakan ka ng tatak ng Diablo, bawal ang magdagdag ayon sa nasusulat. Naroon ako sa “P.I.C.C. Complex” nang ako’y anyayahan, dahil nga noong panahong iyon (Mga early 80’s) ay naghahanap pa ako ng katotohanan, at narinig ko ang kanilang “Evangelist” kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay “John Carter”, na ipinaliwanag niya at iniaral na si Satanas daw ay “Couterfeiter”, kung may Pagsamba raw sa Tunay na Diyos ng Sabado, ay Linggo naman ang itinakdang araw ni Satanas para sa kanya upang sambahin siya, at kapag sumasamba ka ng Linggo ay tinatatakan ka ng tatak ng Diablo na 666, napakalaki ng tila Tarpaulin na kanilang inilatag doon na inililigawang mga naimbitahan na dumalo sa kanilang pamamahayag.
IYAN  AY  ISANG  MALAKING  KASINUNGALINGAN !  
BAKIT  ISANG  MALAKING  KASINUNGALINGAN ?
Araw ng Linggo nang ang Panginoong Diyos ay magpuspos ng Kanyang Espiritu Santo noong Araw ng Pentecostes, kung susumahin mula sa Pagkabuhay ng Panginoon – Arawng Linggo – Mateo 28: 1, ay apat na pung araw (40 days) pa siyang nanatili sa Israel, Tama ang nasusulat sa Apocalipsis 2: 9 na sila ang Sinagoga ni Satanas, sila pala ang “Counterfeiter” !.
Sinasabi nila na ang Diablo ang nagtatatak ng 666 kapag sumasamba ka ng Araw ng Linggo, Eh ang liwanag ng aral, na Diyos mismo ang nagtatak ng Kanyang Espiritu Santo bilang patunay na tayo ay mga anak ng Diyos.
Sinasalungat nila ang Katotohanan, kaya pala ayon sa nasusulat isang pamumusong ang kanilang ginagawa, sila ay mga Sinagoga ni Satanas na nagpapakunwaring mga Judio, eh mga Gentil din naman !
   “ Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong na mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas ”. ( Apocalipsis 2: 9 )
Ang mga nagpapakunwaring mga Judio gaya ng mga Sabadista na hindi naman mga Israelita kundi Gentil din naman ay isang Sinagoga ni Satanas ayon sa nasusulat.
Ayon sa kanilang aral na kapag sumasamba ka ng Linggo ay tinatatakan ka ni Satanas ng 666, dahil Sabado raw ang tunay na araw ng pagsamba sa Diyos at Linggo naman ay ginawa ni Satanas upang sambahin siya.
Hindi naman ito sinasang-ayunan ng mga aral at talata sa Bibliya, Linggo o Araw ng Pentecostes nang ang Diyos ay magtatak ng kanyang Espiritu Santo bilang patunay  Niyang  mga anak.
  By PMCC 4th Watch Doctrine
  

Comments

Popular posts from this blog

Comments

Popular posts from this blog

THE TRUE MEANING OF " CHURCH " : Bible Teaching Controversial Topic 5